Ilang residente sa Tondo, nangangamba dahil sa crackdown ng pamahalaan sa mga tambay na lumalabag sa mga ordinansa

by Radyo La Verdad | June 22, 2018 (Friday) | 4520

Bagama’t naiintindihan nila ang dahilan sa likod ng mas maigting na panghuhuli sa mga lumalabag sa mga ordinansa sa Maynila.

May pangamba ang ilang residente sa Baseco Compound sa Tondo sa gitna ng napapabalitang mga kaso ng panghuhuli sa mga inosenteng tambay.

Kaya naman nakitambay ang UNTV News and Rescue Team sa Baseco at aming inalam ang tunay na dahilan sa likod ng pagtambay ng ilang mga naninirahan dito.

Mahimbing pang natutulog kaninang tanghali si Veronica na may 5 anak. Aniya, sa labas siya ng bahay nagpapahinga dahil mainit sa loob ng kanilang tahanan. Ganito rin ang katuwiran ni Mang Melchor.

Kung dati, nakakapag-hanapbuhay pa si Aling Veronica ng ukay-ukay at iba pang mga gamit tuwing gabi, dahil sa takot umanong mapagkamalang kriminal ay hindi na siya nagtitinda.

Pakiusap na lang ng mga residenteng gaya ni Aling Veronica, linawin sana ng mga pulis kung ano ang nalalabag na ordinansa ng kanilang mga hinuhuling nakatambay sa mga kalye.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

Tags: , ,