Hindi pa rin natinag ang ilang nga residente sa Las Piñas City na magpaputok kaalinsabay ng pagpapalit ng taon, ito’y sa kabila ng ipinatutupad na total firecracker ban sa buong lungsod.
Ibig sabihin,mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa,pagbenta at paggamit ng anumang uri ng paputok sa kahit anong uri ng okasyon.
Layon ng naturang ordinansa na maiwasan na ang nga aksidente na idinudulot ng pagpapaputok.
Ngunit sa pag-iikot ng UNTV News Team ilang oras bago ang pagsapit ng 2018, namataan pa rin ang ilang mga pasaway na residente na nagpapaputok. Bukod pa rito, may ilang tindero rin ang naaktuhan na palihim na nagbebenta ng mga paputok ilang minuto bago ang pagpapalit ng taon.
Ayon sa mga otoridad, hindi muna nila hinuli at pinagmulta ang mga lumabag, sa halip ay binigyan lang muna ng warning bilang konsiderasyon.
Sa kabila nang mayroong mga pasaway, mas marami pa rin naman anila ang sumunod sa ordinansa kaya’t kahit papaano ay maituturing pa rin na naging matagumpay ang implementasyon ng total firecracker ban.
( Joan Nano / UNTV Correspondent )