Ilang residente sa Bagac, Bataan sumailalim sa disaster preparedness training

by Radyo La Verdad | April 14, 2016 (Thursday) | 3126

JOSHUA_TRAINING
Pinaghahandaan na ng ilang residente sa Bagac, Bataan ang mga kalamidad na maaaring sumapit ngayong pabago-bago na ang lagay ng panahon.

Sa inisyatibo ng Bataan Peninsula State University katuwang ang isang rescue organization, tinuruan ng basic safety at rescue tips ang mga residente sa Barangay Quinawan sakaling maipit sila sa sakuna.

Halos isang libo ang nakatira sa Coastal Barangay Quinawan, napapalibutan ito ng bundok at malayo sa kabihasnan.

Bangka ang pangunahing mode of transportation sa barangay at maaaring abutin ng mahigit isang oras ang biyahe para marating ang palengke at iba pang lugar.

Kaya naman laking tuwa ng mga residente sa pagsasagawa ng disaster preparedness training na malaking tulong sakaling ma-isolate ang kanilang lugar at maantala ang pagdating ng ayuda mula sa pamahalaan sa panahon ng kalamidad.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,