Ilang residente, nagreklamo sa isinagawang clearing operations sa Road 10

by Radyo La Verdad | September 2, 2016 (Friday) | 1273

VICTOR_CLEAR-OPP
Naging target ng clearing operations ng Task Force Manila Clean Up ngayong araw ang kahabaan ng Road 10 sa Maynila.

Kinumpiska ang mga gamit na itinambak ng mga residente sa mismong kalsada.

Kasama rin sa mga inalis ang tindahan at maliliit na kainan na nasa mismong kalsada na nakapwesto.

Ang maliit na kubong ito tinanggal din.

At maging ang outpost ng barangay ay hindi nakaligtas.

Pinababaklas din ng grupo ang extension sa mga bahay na nakakasakop na sa mga bangketa.

Subalit hindi nagustuhan ng ilang residente ang hakbang ng lokal na pamahalaan dahil hindi man lang sila binigyan ng abiso upang kusa na lang sana nilang nailigpit ang mga gamit.

Ayon sa pinuno ng task force, pagkatapos malinis ang lugar, babantayan na ito ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan.

Isa naman sa hamong haharapin ng grupo ay ang pag-alis sa mga barung barong sa mismong kalsada.

Apela ng mga naninirahan sa naturang mga bahay, bigyan muna nang malilipatan bago sila paalisin sa lugar.

Dati nang naalis sa lugar ang mga bahay subalit makalipas ang ilang panahon balik kalsada uli ang mga residente.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: , ,