Ilang residente, bumabalik sa loob ng 6km permanent danger zone sa kabila ng ipinatutupad na ‘no human activity policy’

by Radyo La Verdad | January 18, 2018 (Thursday) | 1419

Simula pa lamang ng magpakita ng abnormalidad ang Mt. Mayon sa Albay, nagpatupad na ang local na pamahalaan ng no human activity policy sa paligid ng nito na sakop ng 6km permanent danger zone dahil sa panganib na nakaamba lalo pa’t patuloy na kinakikitaan ng abnormalidad ang Mayon.

Sa kabila ng no human activity policy na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan sa loob ng 6km permanent danger zone at 7 km extended danger zone, marami pa rin sa mga residente ang ayaw paawat at bumalik sa kanilang tahanan.

Aminado ang Acting Chief of Police ng PNP Camalig na si PCInsp. Darwin Asejo na kahit gaano kahigpit ang pagbabantay nila sa mga choke points area, may mga nakakalusot pa rin umanong mga residente at bumabalik sa kanilang tahanan.

Kaya’t muling nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Camalig sa mga residente na sumunod sa abiso ng mga otoridad.

Samantala, kagabi ay muling namigay na relief goods ang LGU Camalig sa 1,620 nga displaced family na nasa anim na evacuation sites ng Camalig. Kabilang ang brgy. Anoling, Cabangan, Salugan, Sua, Quirangay at Tumpa.

Ang relief goods ay binubuo ng anim na kilong bigas, 2 corned beef, sausage, meat loaf at noodles na consumable umano para sa 2 araw.

 

( Allan Manansala / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,