Iba’t ibang problema ang nakita sa isinagawang final testing and sealing sa mga Vote Counting Machine sa lalawigan ng laguna.
Kabilang sa mga nakitang aberya ay ang mga hindi umano natalakay sa training ng board of election inspectors gaya ng eye button na hindi nag-match sa password na hawak ng Chairman of the Board of Election Inspectors kaya hindi ito nagamit.
Sa mahigit dalawang libo at limandaang VCM na sinuri sa Laguna, apat ang nagkaroon ng problema.
Nagpapasalamat naman ang mga BEI sa maagang pagkakatuklas sa mga problema sa VCM dahil nabigyan pa sila ng panahon na mapag-aralan ito upang maiwasan ang aberya sa mismong araw ng halalan.
(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)
Tags: final testing and sealing, Ilang problema sa VCMs, Laguna