Ilang priority bills ni Pangulong Aquino, inaasahang maipapasa na susunod na administrasyon

by Radyo La Verdad | February 5, 2016 (Friday) | 1296

AQUINO-ADMINISTRATION
Umani ng batikos, lalo na sa mga senior citizen ang pag-veto ng Pangulong Aquino sa SSS Pension Increase

Sa kabila nito ay ipinagmalaki naman ni Senate President Franklin Drilon ang 116 na mga bagong batas na naipasa ng 16th Congress

Aabot naman sa 284 na panukalang batas ang naipasa sa third and final reading ng senado.

Karamihan sa mga ito’y ay para sa economic reform, workers welfare, improving services at political reform.

Kabilang na rito ang Tax Incentives Management and Transparency Act, Philippine Competition Act at ilan pang mga amiyenda.

Ang Malakanyang naman ay umaasa na isusulong sa susunod na kongreso ang ilang panukala na priority bill ng Aqunio administration

Sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino the third inihayag niya ang ilang mga mahahalagang panukalang batas na nais niyang makapasa sa kongreso para sa huling taon ng kaniyang panunungkulan.

Pangunahin na dito ang Proposed Bangsamoro Basic Law, Rationalization of Fiscal Incentives at Unified Personnel Reform Bill.

Kabilang ang mga ito sa dalawampung priority bills ng administrasyong Aquino na hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin sa kongreso.

Tulad ng Rationalization of Fiscal Incentives para sa repormang pang-ekonomiya ng bansa, ang Rationalization of the Mining Fiscal Regime na layong pataasin ang bahagi ng pamahalaan sa kinikita ng mining firms, ang panukalang naglalayong gawing permanente ang Public-Private Partnership Scheme ng administrasyong Aquino at ang Anti-Dynasty Bill.

(Nel Maribojoc/UNTV News)

Tags: ,