Ilang poultry raiser sa Pampanga, maari nang magbyahe ng kanilang produkto

by Radyo La Verdad | August 15, 2017 (Tuesday) | 2595

Maari nang maglabas ng kanilang produkto ang mga poultry raiser sa Pampanga na nasa labas ng 7-kilometer controlled area na apektado ng avian flu virus.

Sa inilabas na bagong memorandum ng Bureau of Animal Industry, pinahihintulutan na ang pagbabyahe ng poultry products gaya ng buhay na manok at itik, karne, itlog at iba patungo sa iba’t ibang lugar sa Luzon. Ngunit hindi pa ito maaring dalhin sa Visayas at Mindanao.

Ayon sa BAI, kinakailangan lamang kumuha ng shipping permit, veterinary health permit at meat inspection certificate ang mga byahero upang padaanin ang mga ito sa nakatalagang  checkpoint sa lalawigan.

 

Tags: , ,