Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte at tuluyan nang naisabatas ang Republic Act Number 11037 o ang Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act.
Layon nitong magkaroon ng feeding program para sa ma undernourished na mga bata sa mga public day care, kindergarten at elementary schools.
Ang Department of Education (DepEd) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang mga lokal na pamahalaan ang pangunahing nakatalagang ahensya na tututok sa pagpapatupad nito.
Samantala, pinirmahan na rin ni Pangulong Duterte ang Republic Act Number 11040 na nagdedeklara sa ika-27 ng Abril bilang isang special working public holiday sa buong bansa at special nonworking holiday naman sa Lapu-Lapu City sa Cebu.
Layon nitong gunitain ang tagumpay ni Lapu-Lapu laban kina Magellan noong ika-27 ng Abril 1951. Ang ika-27 ng Abril ay tatawagin ng Lapu-lapu day o Adlaw ni Lapu- Lapu.
Bukod dito, isang batas na rin ang Republic Act Number 11052 o ang panukalang i-regulate ang food technology sa bansa at bumuo ng professional regulatory board of food technology.
Layon nitong mapangasiwaan at kontrolin ang registration, licensure, at practice ng food technology sa Pilipinas.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: DepEd, nilagdaan, Pangulong Duterte