Ilang pangunahing Dam sa Luzon, hindi parin tumataas ng imbak ng tubig

by Radyo La Verdad | May 30, 2019 (Thursday) | 4609

Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam kahit na may nararanasan nang mga pag-ulan sa mga nakalipas na araw.

Kaninang 6:00 AM ay nasa 169.63-Meter ang lebel nito na mas mababa ng mahigit sa 10 Metro kumpara sa 180-Meter na minimum operating lebel nito ito ay ayon sa DOST- PAGASA.

Ayon sa PAGASA, ito na ang pinakamababang lebel ng Dam sa loob ng nakalipas na dekada. Isa sa dahilan ay ang epekto ng El Niño Phenomenon.

Noong July 2010 ay naitala ang pinakamababang lebel ng Dam na sumadsad sa 157.56-Meter.

Ayon naman kay National Water Resources Board Executive Dir. Sevillo David, sa Hunyo ay ibababa sa 46 Cubic Meters per second ang alokasyon ng tubig para sa Metro Manila. Posible din aniyang madelay ang pagpapakalawala ng tubig para sa irigasyon hanggat hindi umaabot sa 180-Meter ang lebel ng Angat Dam.

Ang La Mesa Dam din ay hindi pa umaabot sa lebel na pwede nang mapakinabangan ang tubig para sa supply sa Metro Manila.

Ayon sa Bureau of Soil and Water Management, nagsasagawa pa rin ng cloud seeding operation sa lugar at tumatama naman ito sa kanilang target. Pero ang Magat Dam naman ay tumataas na ang imbak na tubig at sa June 3 ay nakatakdang magpakawala na ito para sa irigasyon.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: , , ,