Nasa 5,851 na sa ngayon ang nakatalang mag-aaral para sa Grade 7 hanggang Grade 10 sa Ramon Magsaysay High School sa Maynila.
Ang Ramon Magsaysay ang pinakamalaking high school sa lungsod ng Maynila dahil sa dami ng mga estudyante.
May SPED class for the visually impaired ang RMHS at isa rin ito sa mga eskwelahan sa Maynila na mayroon special Science class.
Subalit walang senior high school dito bagamat ngayong school year ang simula ng implementasyon ng Grade 11 dahil sa kakulangan sa grupo at pasilidad.
Paliwanag ng punong guro, kailangang magpatayo ng bagong gusali para magkaroon ang kanilang paaralan ng senior high school sa susunod na school year.
Sa Jose Abad Santos High School naman, mahigit 200 ang kanilang enrollees para sa Grade 11.
8 classrooms ang inuukupa ng senior high school sa building 3 ng paaralan.
Bukod sa classrooms, inihahanda na rin ang dating garahe ng eskwelahan upang magsilbing workshop room ng senior high school sa cookery at sa labas naman nito ay ang welding classes.
Bagama’t karagdagang taon at gastos ang senior high school positibo naman ang pagtanggap dito ng mga mag-aaral.
Ayon sa principal ng Jose Abad Santos High School, kapag naipatayo ang isa pang gusali mas maraming mag-aaral para sa senior high school ang kanilang matatanggap.
(Victor Cosare / UNTV Correspondent)
Tags: Ilang pampublikong paaralan, Maynila, senior high school