Ilang pamilya sa Butuan City, nagsimula nang lumikas dahil sa bagyong Agaton

by Radyo La Verdad | January 2, 2018 (Tuesday) | 2322

Nagsimula nang lumikas ang nasa limampu na indibidwal sa Purok 6,  Delta, brgy. Bonbon, Butuan City dahil sa malalakas na pag-ulan na dala ng bagyong Agaton.

Kasalukuyan silang nanunuluyan sa covered court ng barangay at nakatanggap na ng  relief assistance mula sa Butuan City Social Welfare and Developement o CSWD.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO, mas mabuti na lumikas ng maaga ang mga residente upang maiwasan ang sakuna, lalo na at isang bulubunduking lugar ang brgy. Bonbon na kasama sa landslide prone areas.

Naka-full alert status naman ang Agusan del Norte PDRRMO para sa anumang maging pinsala ng bagyong Agaton.

Nakahanda na rin ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police upang rumisponde kung sakaling mayroon pang mga residenting kailangang ilikas.

Tags: , ,