Minamadali na ng Department of Education at ilang organisasyon na maisaayos ang mga paaralan sa Bicol Region na lubhang nawasak ng pananalasa ng Bagyong Nina.
Bukas ay balik na sa normal na ang klase sa ilang paaralang rehiyon ngunit karamihan parin sa mga ito ay magbubukas sa susunod na linggo.
Ayon sa DepEd Bicol Region, kahit sira pa rin ang ilang classroom nakahanda parin umano ang mga school personnel na gumawa ng paraan gaya ng shifting o combination of classes.
Samantala sa memorandum na inilabas ng opisina ni Camarines Sur Governor Miguel Luis Villafuerte apat na distrito sa probinsya ang magbubukas ng klase sa January 9.
Gayundin ang pasok sa kindergarten at highschool sa Naga City.
Ito ay dahil sa ginagamit paring evacuation center ang karamihan sa mga paaralan sa mga lugar at kailangan paring ayusin ang mga nasirang silid paaralan.
Sa ngayon, hinihintay pa rin ang pondo para sa pagpapaayos ng mga paaralan partikular na ang para sa provision for temporary learning spaces.
Pinaka-apektado ng nagdaang Bagyong Nina ang mga paaralan sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur at Catanduanes.
(Allan Manansala / UNTV Correspondent)
Tags: bubuksan na sa susunod na linggo, Ilang paaralang napinsala ng bagyong Nina sa Bicol