Ilang paaralan sa Maynila maagang nagdeklara ng Walang Pasok kasabay ng Sea Games

by Erika Endraca | November 13, 2019 (Wednesday) | 12510

METRO MANILA – Maagang nagdeklara ng walang pasok ang De La Salle University (DLSU) sa Maynila para bigyang daan ang gaganaping 30th Southeast Asian (SEA) Games. Base sa twitter post ng paaralan walang pasok at office work sa December 2 – 7.

Ang DLSU-Manila ay malapit sa Rizal Monument kung saan isasagawa ang ilang events para sa SEA Games. Nagdeklara ring ng walang pasok ang Benilde Manila at Benilde Deaf School sa kaparehong mga petsa dahil sa inaasahang matinding traffic.

Samantala ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago nagsumite na sila ng rekomendasyon sa Malakanyang upang hilingin magpatupad rin ng class suspension ang 7 paaraan sa Metro Manila.

Tags: ,