Ilang opisyal sa Tawi-Tawi, nababahala sa umano’y pagpapalit sa kanila sa pwesto sa ilalim ng Bangsamoro Basic Law

by Radyo La Verdad | March 2, 2018 (Friday) | 4206

Nagpahayag ng hinaing at posisyon ang mga taga Tawi-Tawi  sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sa isinagawang congressional public consultation kahapon, ikinabahala ng ilang lokal na opisyal ang kumakalat na balitang papalitan umano sila ng mga tauhan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ito ay oras na maaprubahan ang panukalang batas para sa Bangsamoro region. Itinanggi naman ni MILF Chairman Ghazali Jaafar ang isyu.

Binigyang-diin nito na sa Bangsamoro region ay mga mamamayan pa rin ang magpapasya kung sino ang kanilang magiging pinuno

Kabilang din sa isyung ipinaabot ng mga stakeholders ang pangambang mawawalan ng trabaho ang nasa 34,000 Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) officials.

Ngunit nilinaw ng mga mambabatas na hindi ito totoo at sa halip ay inaasahang madaragdagan pa ang mga manggagawa sa ilalim ng Bangsamoro entity.

Sa huli, nagpahayag ng pagsang-ayon ang mga stakeholders sa BBL at positibong may maganda itong maibubunga sa kanilang probinsya sa hinaharap.

 

( Dante Amento / UNTV Correspondent )

Tags: , ,