Ilang opisyal ng PNP, sinampahan ng graft charges sa Sandiganbayan

by Radyo La Verdad | October 21, 2015 (Wednesday) | 1462

SANDIGANBAYAN
Kabilang ang tatlong matataas na opisyal ng Philippine National Police o PNP sa sinampahan ng kaso ng Office of Ombudsman kaugnay ng maanomalyang pag-i-issue ng linsensiya ng mga ak47 rifles.

Ang tatlong matataas na PNP Officials ay sina P/Dir. Gil Menses, P/Dir Napoleon Estilles, Police Chief Supt Raul Petro Santa at siyam pang opisyal at tatlong non-uniformed personnel.

Ipinag-utos ni Ombudsman Cochita Carpio Morales na sampahan ng kasong graft sa Sandiganbayan ang mga nabanggit na opisyal

Sinabi ng Ombudsman na nagsabuwatan ang mga akusado sa pag-issue ng linsensiya sa mahigit na isang libong piraso ng ak47 sa ilang kumpanya noong August 2011 hanggang April 2013.

Ayon sa Ombudsman , hindi ginampanan ng mga PNP Official ang kanilang tungkulin at hindi idinaan sa tamang proseso ang pagbibigay ng lisensiya sa Caraga, Isla Security Agency, Claver Mineral Development Corporation at JTC Miniral Mining Corporation.

Tags: ,