Ilang operators, nangangamba sa gagawing paglilimita ng LTFRB sa mga TNVS na bibigyan ng prangkisa

by Radyo La Verdad | September 8, 2017 (Friday) | 3566

 

Anim na buwan pa lamang na operator ng Transport Network Vehicle Service si Haydee Gastilo.  Mayroong siyang tatlong unit na nasa ilalim ng Transport Network Company na Uber at Grab.

Aabot sa 48 thousand pesos ang buwan-buwan niyang hinuhulog para sa tatlong sasakyan na babayaran niya sa loob ng limang taon.

Sa ngayon ay wala pa siyang hawak na mga prangkisa, dahil kasama umano ito sa mga aplikasyon na nakabinbin pa rin sa LTFRB.

Isa lamang siya sa libo-libong mga operator na nangangamba ngayon, dahil sa plano ng LTFRB na limitahan ang bilang ng mga TNVS.

Ngayong Setyemebre, ilalabas na ng LTFRB ang listahan ng mga bagong regulasyon na magsasaayos sa operasyon ng mga TNVS.

Isa sa mga plano ng LTFRB na bawasan ang bilang ng mga TNVS na bibigyan ng prangkisa.

Sakaling hindi mabigyan ng prangkisa, plano ni Haydee na gamitin na lamang ang kanyang mga sasakyan sa ibang paraan, upang kumita ng pera at mabayaran pa rin ang buwanang hulog ng mga ito.

 

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,