Ilang nurse sa Libya, bigong mailikas ng DFA

by Erika Endraca | May 3, 2019 (Friday) | 17913

Manila, Philippines – Bigo ang embahada ng Pilipinas sa Libya na mailikas ang ilang pilipino nurse doon noong Miyerkules.

Hindi nakarating ang mga tauhan ng embahada sa lugar na kinaroroonan ng mga nurse dahil sa kaguluhan doon.

Para sa mga nurse ang nangyaring bakbakan kahapon ang pinakamatindi na kanilang naranasan sa kasaysayan ng kanilang pananatili sa Libya.

Samantala dahil sa dami ng airstrikes sa palibot ng tripoli nagkabit ng bandila ng Pilipinas sa bubong ng embahada upang madali itong makilala ng mga eroplano na nasa ere at hindi maging target ng airstrike.

Sa ngayon ay nakataas na ang alert level 4 sa Libya. Ibig sabihin magpapatupad na ng mandatory evacuation sa mga pilipino dito. Sa ngayon ay mahigit 1,000 pilipino pa ang nananatili sa bansa.

Tags: , ,

Maraming Pilipino, nawalan ng tiwala sa China ng bunsod ng WPS issues – Survey

by Radyo La Verdad | June 13, 2024 (Thursday) | 32647

METRO MANILA – Nawalan na ng tiwala sa China ang maraming Pilipino bunsod ng nangyayaring tensyon sa West Philipine Sea (WPS).

Batay sa survey na isinagawa ng Octa Research Group, nasa mahigit 1,000 Pilipino edad 18 taong gulang pataas o 91% ang wala na umanong tiwala sa China.

Ayon pa sa research group, patuloy ang pagbaba ng trust rating ng mga Pilipino sa China simula pa noong Pebrero 2022.

Kasunod ito ng inilabas na resulta ng Octa Research Survey sa unang quarter ng taon.

Para sa ilang political analyst, inaasahan na ito bunsod ng mga isyu sa pagitan ng China at Pilipinas partikular na ang mga panggigipit ng Chinese forces sa mga Pilipino sa West Philippine Sea.

Tags: , ,

75% Filipinos, di nasiyahan sa pagtugon ng gov’t sa kahirapan at pagtaas ng presyo ng mga bilihin  – Octa Survey

by Radyo La Verdad | February 19, 2024 (Monday) | 17103

METRO MANILA – Maraming Pilipino ang dissatisfied o hindi nasiyahan sa mga hakbang ng pamahalaan upang ibsan ang kahirapan sa bansa at tugunan ang mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ayon ito sa tugon ng masa survey ng Octa Research Group kung saan 100 at 200 kababayan ang tinanong.

75% sa ating mga kababayan, ang dissatisfied sa pagkontrol sa presyo ng mga bilihin. 46% naman ang dismayado sa pagtugon sa kahirapan sa bansa.

Mataas din ang dissatisfaction rating sa usapin ng pagkakaroon ng abot-kayang halaga ng pagkain, paglikha ng mga trabaho, at paglaban sa katiwalian.

Samantala, mayorya naman ng mga kababayan, satisfied o nasisiyahan sa performance ng pamahalaan sa ilang programa. Katumbas ito ng 8 sa bawat 10 Pilipino.

Partikular na sa pagtatayo ng pampublikong imprastraktura, at pagtugon sa mga kalamidad.

Gayundin sa pagsusulong sa kapakanan ng Overseas Filipino Workers, pagkakaloob ng Healthcare at maging ang kalidad ng edukasyon.

Tags: ,

Mga Pilipinong walang trabaho bumaba sa 7.9-M noong Setyembre – SWS

by Radyo La Verdad | December 22, 2023 (Friday) | 25612

METRO MANILA – Bumaba sa 7.9 Million ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ayon sa pinaka huling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumabas sa resulta ng  survey na isinagawa noong September 28 hanggang October 1, na bumaba sa 16.9% ang adult joblessness, 5.8% ito na mas mababa kaysa sa 22.8% noong June 2023 o humigit-kumulang 10.3 Million adults.

Ang mga walang trabaho ay binubuo ng mga boluntaryong umalis sa trabaho, naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon, nawalan ng trabaho dahil sa economic circumstances o natanggal sa trabaho.

Tags: , ,

More News