Ilang miyembro ng gabinete at Highway Patrol Group nagpaliwanag sa Senado ukol sa kanilang solusyon sa problema sa trapiko sa Metro Manila

by Radyo La Verdad | September 14, 2015 (Monday) | 2679

MMDA
Umaabot sa 360 thousand ang mga sasakyan na dumadaan sa kahabaan ng 23.8 kilometer na Edsa araw-araw ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino

Ayon naman sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Incorporated, tataas pa ang nasabing bilang pagsapit ng 2020

Naniniwala si Tolentino na makatutulong ang insfrastructure program, improvement sa Philippine National Railways at Pasig River Ferry Boats at quick bridges upang maibsan ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Patuloy ang pakikipagtulungan ng MMDA sa Highway Patrol Group sa pamamahala ng trapiko hindi lamang sa Edsa kundi sa buong NCR

Ayon kay HPG OIC Police Chief Superintendent Arnold Gunnacao malaki na ang improvement ng trapiko sa ngayon

Nilinaw naman ni Secretary Jose Rene Almendras na di siya ang Traffic Czar.

Suhestyon ni Senador Tito Sotto, kaysa ibalik ang odd-even scheme ay pagbawalan ang ilang sasakyan na pumarada sa kalsada na ginagawang alternative routes kapag matindi na ang traffic sa mga pangunahing kalsada.

Suhestyon pa ni Sotto,ipasa na ang panukalang batas na magbibigay ng buwanang sahod sa mga bus driver upang hindi na mag-agawan sa pagkuha ng mga pasahero

Tingin naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto dapat magkaroon ng mass transit system support fund.

Tiniyak naman ng pamahalaan na kahit ang ilang miyembro ng gabinete ay tatakbo sa 2016 election nakalatag na transition plan para sa pagpapatuloy ng mga programa na kanilang maiiwan. (Bryan de Paz / UNTV News)

Tags: , , ,