Ilang miyembro ng ASG na nakasagupa ng mga sundalo, lulong umano sa iligal na droga

by Radyo La Verdad | August 30, 2016 (Tuesday) | 1014

BRYAN_NAKASAGUPA
Naka-half mast na ang watawat ng bansa sa general headquarters ng Armed Forces of the Philippines sa Camp General Emilio Aguinaldo sa pagkakasawi ng labinlimang sundalo mula 21st at 35th infantry batallion ng Philippine army matapos na makasagupa ang isangdaan at dalawampung armadong miyembro ng Abu Sayyaf sa patikul Sulu kahapon.

Karamihan sa mga nasawing sundalo ayon sa AFP ay taga-Mindanao.

Ayon kay Coronel Edgard Arevalo, ang Chief ng AFP Public Affairs Office, lulong pa sa ipinagbabawal na gamot ang ilang miyembro ng ASG na nakaengkwentro ng tropa ng militar.

Ayon sa AFP, makikita and ebidensya nito sa walang habas na pamumugot ng ulo sa ilang bihag nila.

Nasa 30 ng ASG member ang napatay mula ng magsimula ang all-out offensive ng pamahalaan sa Sulu.

Aminado ang AFP na hindi madali ang lugar ng mga bandidong grupo dahil masukal, magubat at maraming bangin.

Gayunman, magsisilbing inspirasyon sa kanila ang kabayanihan ng labinlimang sundalo sa pagpapatuloy ng mahigpit na labanan sa patikul sulu

Ayon sa palasyo ng Malacañang, magdadagdag ng pwersa ang tropa ng militar sa Sulu.

Determinado ang tropa ng militar na tapusin at matupad ang kanilang misyon para sa kapakanan ng mga residente sa Sulu na matagal ng nagtitiis sa terorismo ng mga bandidong grupo.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,