Ilang militanteng grupo, nagdaos ng kilos-protesta sa harap ng DOJ kontra sa isinagawang demolisyon sa San Juan, Batangas

by dennis | April 15, 2015 (Wednesday) | 1610

RALLYDOJ

Nagsasagawa ng kilos-protesta sa harap ng Department of Justice ang grupong Alliance for the Advancement of People’s Rights(KARAPATAN) at ANAKPAWIS kasama ang ilang mga mamamayan ng San Juan, Batangas.

Ayon sa grupo, layon nilang humingi ng tulong at maghain ng pormal na reklamo sa DOJ dahil sa pag-aalis ng karapatan sa mga magsasaka at mangingisda sa lupaing kanilang tinitirhan at pagdanas ng marahas na demolisyon sa Sitio Balacbacan, Brgy. Laiya, Batangas noong Abril 2, mula sa may-ari ng lupa na nagngangalang Federico Campos III, presidente ng Macaria Development Corporation.

Isa sa kanilang hinaing ang kawalan ng aksyon ng ng mga pulis at local na pamahalaan sa lugar upang proteksyunan ang mga residente sa komunidad mula sa umano’y pandadahas ng grupo ni Campos.

Samantala kulang naman sa halos 300 pamilya na ang apektado ng nasabing demolisyon mula ng paalisin sila ng naturang kumpanya noong nakaraang taon.(Jerolf Acaba/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , , , ,