Sumugod sa harap ng Camp Crame ang grupong Bayan bilang pagkundina sa pagkakaaresto ni Ferdinand Castillo, isa sa kanilang campaign officer sa Metro Manila.
Ayon kay Bayan Metro Manila Chairman Mong Palatino, iligal ang pagdakip kay Castillo na napagkalamang consultant ng National Democratic Front of the Philippines.
Nangangamba din silang dahil sa idineklarang all-out war ni Pangulong Duterte laban sa mga makakaliwang grupo ay posibleng tumaas ang mga kaso ng human rights violation.
Depensa naman ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho.
Si Castillo ay sinasabing secretary ng Metro Manila Regional Party Community ng Communist Party of the Philippines.
Ito rin ay may kinakaharap na kasong murder at attempted murder RTC Branch 63 sa Calauag,Quezon.
Siya ay naaresto noong linggo ng CIDG-NCR at Philippine Army Intelligence Service Group sa Caloocan City.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: iginiit ang pagpapalaya sa kanilang kasamahan na umano’y napagkamalang opisyal ng CPP-NPA, Ilang militante