Ilang mga senior citizen, sumabak sa WISHcovery on-ground audition

by Radyo La Verdad | August 2, 2017 (Wednesday) | 5513

Age doesn’t matter pagdating sa pagawit. Ito ang pinatunayan ng ilang mga senior citizen na sumabak sa WISHcovery on-ground audition sa Cebu.

Sa unang bigay pa lang ng 62-year old na si Kelloy Pardillo, nagpalakpakan na agad ang mga manonood.

Ilang beses nang nagkampeon si lolo Kelloy sa singing competitions sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas maging sa ibang bansa.

Nakatulong ang pagiging batak niya sa trabaho bilang martial arts instructor at bodyguard ng mayor ng isang lugar sa Cebu para mapanatili ang lakas ng kanyang katawan.

Ngunit pagdating sa boses, ang kanyang sikreto ay walang bisyo at di umiinom ng alak.

Ito rin ang prinsipyo ng property agent na si crispin aguilar na dating singer at band vocalist  ng isa pang wishcovery auditionee na si Crispin Aguilar.

Sina lolo Kelloy at Crispin ay ilan sa patunay na ang pag-aalaga sa katawan ay pagiingat rin sa talentong ibinigay ng Maykapal.

 

(Leslie Longboen / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,