Ilang mga senador, pinaburan ang desisyon ng Korte Suprema sa legalidad ng EDCA

by Radyo La Verdad | January 13, 2016 (Wednesday) | 1604

MERYLL_ENRILE
Pinaburan ni Senate Minority leader Juan Ponce Enrile ang aniya’y matapang at makasaysayang desisyon ng Korte Suprema nang pagtibayin nito ang legalidad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Pilipinas at Amerika.

Sinabi ni Enrile na papalakpakan niya ang Supreme Court sa desisyon nila dahil aniya ay wala namang kahandaan ang ating bansa sa seguridad at kailangang-kailangan natin ng tulong ng Amerika lalo na ngayon na may patuloy na tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas dahil sa West Philippine Sea dispute.

Ayon sa senador, isang wise decision ang ginawa na ito ng Supreme court, dahil mapoprotektahan ng EDCA ang bansa sa malaking posibilidad na masakop tayo ng China.

Pinaburan din ni Senator Antonio Trillanes IV, chairman ng Senate committee on National defense and security ang desisyon ng supreme court at sinabing na validate lang ang kaniyang posisyon na hindi na kaialangang maratipikahan EDCA sa senado.

Sampung mahistrado ang pumabor sa EDCA, samantalang apat ang kumontra dito at isa ang hindi lumahok sa desisyon.

Sa ilalim ng kasunduan na pinangunahan ni Pangulong Aquino, sa loob ng sampung taon,ang Estados Unidos ay pinapayagan na magtayo ng mga imprastraktura, magimbak ng mga kagamitang pandigma, station troops,civilian personnel at defense contractors, gayundin ng transit at station vehicles, vessels at aircraft.

(Meryll Lopez / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,