Ilang mga programa ng UNTV at Radyo La Verdad, ginawaran ng pagkilala ng Philippine Urological Association

by Radyo La Verdad | September 18, 2017 (Monday) | 3108

Sa ika-anim na pung anibersaryo ng Philippine Urological Association, kinilala ng samahan ang mga organisasyon na naging katuwang nito sa pagsusulong ng kanilang mga adbokasiya.

Kabilang sa mga ito ang UNTV at Radyo La Verdad dahil sa mga programa nitong  tumatalakay sa mga concern ng publiko pagdating sa urology o ang branch ng medisina na may kinalaman sa function, disorders at treatment ng urinary system at ng male reproductive organ.

Ang mga ito ay ang Good Morning Kuya, Doctors on TV, Ikonsulta mo at Serbisyong Kasangbahay. Ang mga nasabing programa ay nagiging daan upang bigyang impormasyon ang mga mamamayan pagdating sa kalusugan kabilang na ang mga problema sa urinary system.

Nakakapagtanong mismo sa mga eksperto at personal na nabibigyan ng free medical assistance ang mga kasangbahay na nangangailangan.

Malaki naman ang pasasalamat ng asosasyon sa himpilan dahil sa walang sawang pagtulong nito sa samahan.

Hindi rin dito nagtatapos ang pag-aksyon at pagtuwang ng istasyon sa PUA sa ngalan ng serbisyo publiko.

 

(Leslie Longboen / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,