Ilang mga naapektuhan ng pagbaha sa Occidental Mindoro, naghihintay na ng ayuda mula sa pamahalaang panlalawigan

by Radyo La Verdad | July 27, 2018 (Friday) | 8164

Hindi pa makapaghanap-buhay ang mga magsasaka sa kanilang mga bukid sa Occidental Mindoro bunsod ng makapal na putik na iniwan ng pagbaha noong mga nakaraang araw.

Hindi rin makapaghanap-buhay pa ang maraming mga residente sa bayan ng Mamburao na labis na naapektuhan ng pagbaha dahil abala sila sa pag-aayos at pagkukumpuni ng kanilang mga tahanan.

Ang iba sa mga residente, dumadaing na rin dahil wala pa anila silang natatanggap na ayuda mula sa pamahalaang panlalawigan.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), 10,000 mga residente ang apektado ng pagbaha sa probinsiya na kailangang bigyan ng ayuda.

Ngunit sinisimulan na umano nila ang pagbibigay ng mga relief goods sa probinsiya.

Sa tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), mahigit tatlumpu’t dalawang milyong piso ang nasirang pananim sa probinsiya.

Sa ngayon tanging sa bayan na lang ng Mamburao mayroong mga evacuees na nanatili sa evacuation center na  binubuo ng walumpung indibidwal.

 

( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )

Tags: , ,