Bagamat isang linggo na ang lumipas matapos ang isinagawang halalan may ilang guro pa rin na nagsilbing Board of Election Inspectors ang hindi natatanggap ang kanilang honoraria.
Ilan sa mga ito ang dumulog sa social media accounts ng COMELEC upang malaman ang estado ng kanilang honoraria.
May mga taga Mindanao at ang iba naman ay taga Metro Manila.
Una nang sinabi ng DEPED o Department of Education na tatlong araw matapos ang halalan ay maaari nang matanggap ng mga guro ang kanilang honoraria matapos maiproseso ang ilang dokumento.
Maaring makuha ng mga guro ang honoraria sa pamamagitan ng atm o cash card.
Sa ibang hindi pa natatanggap ang kanilang honoraria maaari ding idulog ito sa COMELEC sa pamamagitan ng twitter gamit ang hashtag na bei 2016.
Ilagay lamang ang buong pangalan at kung saan sila nagsilbing BEI upang maifollow up ito sa finance department ng komisyon.
Dito naman sa PICC, mamayang alas nueve ng umaga muling magbabalik sesyon ang National Board of Canvassers upang ituloy ang pagbibilang ng boto para sa senatorial at partylist race.
May 15 certificates of canvass pa na kailangang iproseso ang COMELEC.
Samantala sa inilabas na canvass report ng NBOC noong Biyernes, batay sa 108 COCs na na-canvass na, nanguna sa senatorial race si Joel Villanuva kasunod si Senate President Franklin Drilon, Vicento Sotto, Ping Lacson, Dick Gordon, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, Migz Zubiri, Manny Pacquiao Pacquiao, Win Gatchalian, Ralph Recto at si former Justice Secretary Leila De lima na nasa pang labindalawang pwesto..
Nasa 13th to 15th place naman sina Francis Tolentino, Sergio Osmeña III at Martin Romuladez.
Una nang sinabi ng COMELEC na target nila maiproklama ang 12 bagong senador sa linggo ito, maaring bukas o sa Huwebes.
(Victor Cosare / UNTV Correspondent)
Tags: BEI, Ilang mga guro, kanilang honoraria