Ilang mambabatas, nanawagan kay Pangulong Duterte na payagan na ang lagdaan na ang resolusyon para sa pagpapatupad sa P2,000 SSS Pension Hike

by Radyo La Verdad | January 2, 2017 (Monday) | 3147

nel_colminares
Umapela ang grupong Bayan Muna kay Pangulong Rodrigo Duterte na muling ikonsidera ang panukalang dagdagan ng dalawang libong piso ang tinatanggap na buwanang pension ng mga retiradong miyembro ng Social Security System.

Ito ay matapos ipahayag ni Pangulong Duterte noong nakaraang linggo ang posibilidad na hindi niya maaprubahan ang panukala batay na rin sa rekomendasyon ng kaniyang economic managers.

Sa posisyon na isinumite sa Malakanyang nina Budget Secretary Benjamin Diokno, Finance Sec. Carlos Dominguez at NEDA -Director General Ernesto Pernia, maaaring malugi o ma-bankrupt agad ang SSS kung itutuloy ang pagtataas ng pension nang hindi itinataas ang contribution rate ng mga miyembro.

Ayon naman sa Principal Author ng Resolution ng Lower House na si Congressman Carlos Zarate, ang inisyal na isanglibong pisong increase na magsisimula sana ngayong buwan ay katumbas lamang ng 33 pesos na kontribusyon kada araw.

Sinabi naman ni Bayan Muna Chairman at dating Congressman Neri Colmenares, na siyang pangunahing nagsusulong ng pension hike, maaari namang maglaan ng pondo ang pamahalaan upang tulungan ang State Insurance Company sa obligasyon nito sa publiko.

Tiniyak naman ni Colmenares na patuloy nilang isusulong ang mga panukalang i-adjust ang pension ng retired SSS members kapag hindi inaprubahan ng pangulo ng Joint Resolution ng Kongreso ukol dito.

Samantala, sa isang pahayag, sinabi ng Presidential Communications Office na pinag-aaralan na ng Pangulo ang rekomendasyon ng Economic Managers hinggil sa pension hike.

Muli rin silang magsasagawa ng pulong para matiyak ang win-win solution sa usapin.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,