Ilang mambabatas, nagpahayag ng kanilang mga saloobin ukol sa iniembestigahang 81 million dollars laundered money

by Radyo La Verdad | March 30, 2016 (Wednesday) | 1205

SENATE
Naniniwala si Senador Bam Aquino na ang 81 million dollars laundered money mula sa Bangladesh na natunton sa bansa ay masasabing pambansang kahihiyan.

Ayon sa senador, sa ikatlong hearing lang ng senado sa money laundering scheme, napagusapan kung papaano isasauli ang pera sa Bangladesh.

Sinabi naman Senador Ralph Recto, mahalaga na maibalik ang pwede pang ibalik na pera sa Bangladesh
Aniya bukod sa 17 million us dollars na umanoy nasa Philrem at nagkakahalaga na 10 million us dollars kay Wong, may halos pitong milyong dolyar na nanakaw na pera ang na-trace at maaring marecover mula sa ilang casino account.

Ayon naman kay Senador Chiz Escudero pagkakataon na ito upang kaagad na ma-amyedahan ang anti-money laundering law alang-alang narin sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers na malaki ang nai-aambag sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Layunin din sa pag-mayenda sa anti-money laundering na ma-protektahan ang remittances ng mga OFW
Naniniwala naman si Senador Alan Peter Cayetano na dapat ipaubaya ang imbestigasyon sa money laundering sa mga ahensya ng pamahalaan sa halip na sa Senado upang maiwasan ang pulitika.

Ayon kay Cayetano, kailangan lang palakasin ang mga nabanggit na investigative bodies upang maresolba ang money lundering case sa bansa.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: ,