Opisyal nang binuksan ngayong hapon, Nov. 9, 2015, ang isa sa mga mall at township ng Megaworld Corporation sa Libis, Quezon City bilang isa sa mga voting center sa darating na May 2016 National Elections
Katatapos lang na isagawa ang walk through dry run dito sa isa sa mga mall pilot voting center ng Megaworld Corporation kung saan ilang kawani at opsiyal ng Comelec ang nagprisinta upang ipaliwanag ang step by step Voting procedure.
Mula sa labas ng Mall kung saan ang Verfication a clustering by precinct, Sa loob naman ng Mall ang voting area, may mga step by step sign boards din upang bigyang giya ang mga botante kung ano ang kanilang gagawin sa bawa’t voting booth.
Maging ang mga priority lanes para sa PWDs, Mga buntis at Senior Citizen ay may signages upang mabigyan sila ng maayos na lugar at maalalayan sila sa kanilang pagsusulat at paglalagay ng kanilang balota sa PCOS machines.
Sa pakikipagtulungan ng Megaworld Coporation sa Commission on Elections sa pangunguna ni Comelec Chair Juan Andres Bautista, bubuksan din ang Malls sa Libis at sa Lucky Chinatown para sa mga registered voter ng Quezon City District 3 at ng Manila District 3.
Ilan pang township sa McKinley Hill at sa Fort Bonifacio Taguig City ang gagawing Voting Centers sa darating na 2016 National Elections.
Ayon sa Comelec, Ang ganitong mga paraan ay mahalagang mapaghandaan at malaman ng publiko upang maisagawa ng maayos at mabigyang seguridad ang bawa’t botong ibibigay ng bawa’t isang registered voter ng bansa.
(Aiko Miguel/UNTV Radio Reporter)