Ilang maliliit na negosyante sa Iloilo, sumabak sa standard product labeling and packaging training ng DOST

by Radyo La Verdad | April 14, 2016 (Thursday) | 4531

LALAINE_PACKAGING
Ang tamang pagbalot at pag-label sa isang produkto, lalo na ng pagkain, ay mahalaga upang ito ay maging kaaya-aya at agad maibenta sa publiko.

Kapag maganda ang packaging, kumpleto sa impormasyon gaya ng ingredients, manufacturer at expiry date, mas malaki ang posibilidad na tatangkilikin ito ng consumer.

Dito sa Iloilo, karamihan sa mga ibinibentang lokal na produkto ay nakabalot lamang sa plastic o box at typewritten lamang o kaya’y printed ang label.

Upang maka-agapay sa standard, isang product labeling and packaging training ang idinaos ng lokal na pamahalaan ng iloilo katuwang ang Department of Science and Technology.

Ikinatuwa naman ng mga maliliit na negosyante ang training na malaking tulong sa marketing ng kanilang mga produkto.

Tinuruan din sila ng mga angkop na packaging sa mga produkto gaya ng mani, peanut butter, potato chips at tinapay.

Ang packaging and labeling training ay isa lamang sa mga proyekto ng DOST na layong makatulong sa micro, small and medium entrepreneurs.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,