Balik-sesyon na ang mababang kapulungan ng Kongreso ngayong araw. Kasama sa prayoridad na magawa ng mga mambabatas ang pagpapatuloy ng impeachment hearing ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno kung saan personal itong pinadadalo ng mga kongresista.
Tatalakayin din ang tungkol sa umanoý stock trading sa Social Security System o SSS. Gayundin ang nangyaring aberya sa mga tren ng Metro Rail Transit o MRT.
Nakaantabay din ang Kamara sa pagpapasa ng senado ng general appropriations bill o ang panukalang pondo ng bansa para sa susunod na taon para sa gagawing bicameral conference at ratipikasyon nito bago matapos ang taon.
METRO MANILA – Inihahanda na ng Social Security System (SSS) ang Calamity Loan Assistance Program na maaring i-avail ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng malakas na lindol sa Taiwan.
Ito ay para sa mga OFW na pawang mga miyembro ng SSS.
Ayon kay SSS President and CEO Rolando Macasaet, ito ang unang pagkakataon na kanilang ie-extend ang loan program para sa mga Filipino worker na biktima ng kalamidad sa ibang bansa.
Paliwanag ng SSS ang calamity loan ay kanila lamang ino-offer para sa mga miyembro na apektado ng kalamidad sa Pilipinas.
Sa datos ng SSS, mayroong nasa 10,000 OFWs na active members ang nagta-trabaho sa Taiwan.
Tags: Calamity Loan, SSS, Taiwan OFWs
METRO MANILA – Palalawigin ang operating hours ng LRT line 1 at 2, at ng MRT–3 simula ngayong December 20 hanggang sa December 23 ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ito’y dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero dahil sa holiday rush.
Batay sa abiso ng DOTr, mula sa 9:30 pm last trip ng MRT sa North Avenue station, gagagawin na itong 10:30 pm.
Habang hanggang 11pm naman magpapa-pasok ng pasahero sa Taft Avenue station.
Ang LRT-1 naman mula sa 10pm na original schedule sa last trip mula sa Baclaran station ay extended hanggang 10:45pm .
Ang last trip naman sa FPJ station ay 11pm mula sa original schedule na 10:15pm .
Alas-10 naman ng gabi ang huling biyahe ng LRT-2 Antipolo station at 10:30 naman ng gabi sa Recto station.
Ang adjusted holiday operating hours sa mass transit systems ng bansa ay tugon na rin sa panawagan ni Transportation Secretary Jaime Bautista upang mas mapagsilbihan pa ang mga commuter.
Tags: holiday season, LRT, MRT
METRO MANILA – Ibibigay na ng Social Security System (SSS) sa darating na December 1 at December 4 ang 13th month pay ng mga pensyonado depende sa contingency dates ng pensioner.
Katumbas ito ng isang buwang pensyon.
Ayon sa SSS, aabot sa nasa 3 milyong mga pensyonado ang mabibigayan ng 13th month pay kabilang na ang retirement, disability at survivorship.
Bukod sa SSS, ipagkakaloob na rin ang cash gift sa mga retiradong kawani ng gobyerno na ibibigay sa unang Linggo ng Disyembre.
Katumbas naman ito ng nasa P10,000 o 1 buwang pensyon.
Nauna nang inianunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) na matatanggap na simula kahapon (Nov. 15) ng mga kawani ng gobyerno ang year-end bonus na katumbas ng 1 buwang sweldo ng mangagawa.
Gayundin ang P5,000 cash gift para sa mga empleyadong kwalipikado na tumanggap nito.
Tags: 13th month pay, SSS