Ilang magulang inirereklamo ang pagbabago ng ugali ng kanilang mga anak mula ng sumali sa mga leftist group

by Erika Endraca | August 8, 2019 (Thursday) | 8932

MANILA, Philippines – Dumalo kahapon (August 7)  sa pagdinig ng senado ang mga magulang ng mga nawawalang bata at ikinuwento kung papaano nagbago ang pag-uugali ng kanilang anak simula nang sumali sa mga grupo na tumututol sa gobyerno.

Hindi nila maiwasang maging emosyonal dahil tila  namalagi na bilang mga miyembro ng mga makakaliwang grupo ang kanilang mga anak.

Ayon sa pamunuan ng Polytechnic University of the Philippines o PUP, gumawa na sila ng aksyon ukol doon. Kabilang na ang paghihigpit sa mga school organization.

“Karaniwan ina-assert po minsan ng faculty o kaya ng ilang estudyante yung mga aktibista na rin na meron silang academic freedom” ani PUP President Doctor Emmanuel De Guzman.

Para kay PNP Chief General Oscar Albayalde, dapat mabantayan rin ang ilan sa mga guro na minsan ay nirerequire na sumama sa mga protesta.

Nagpaalala naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga magulang kung paano malalaman na ang kanilang mga anak ay sumasali na sa mga makakaliwang grupo na papunta na sa pagiging miyembro ng New Peoles Army (NPA).

“Marami na silang alibi, marami silang paalam, pupunta kung saan, may field trip duon, sometimes,often these are not sanctions by school and then organization namin merong pupuntahan, ito na yung indicators na nagi-immerse na sila, and this immersion, they really meet the armed, the armed npa’s” ani Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations Major General Antonio Parlade Jr.

Sa datos ng AFP, mula taong 1999 hanggang 2019, 513 na mga estudyante menor de edad ang nahikayat na ng NPA na umakyat na rin sa kabundukan.

Sa ngayon, ayon kay Senator Ronald Bato Dela Rosa, abangan na lamang ang magiging resulta ng kasong kriminal na isinampa ng PNP-CIDG sa mga recruiter.

“Alarming in the sense na mga menor de edad ito na dapat nag aaral bakit nasa kalsada, nabebrain wash pinopoison ang utak nitong mga makakaliwa para lumaban sa gobyerno” ani Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Samantala ayon kay senator Dela Rosa bibigyan ng pagkakataon ang mga nabanggit na grupo na umanoy nagre-recruit ng mga kabataan tulad ng grupong anak-bayan at kabataan na magpaliwanag sa susunod na pagdinig.

(Nel Maribojoc | Untv News)

Tags: , ,