Ilang magulang at mag-aaral, gustong ibalik ang pagkakaroon ng assignment tuwing weekend

by Radyo La Verdad | July 16, 2018 (Monday) | 5278

Naabutan kahapon ng UNTV News and Rescue Team na nakikipaglaro ng moro-moro o habulan sa kalsada si Jayvie Alvarez, dose anyos at isang grade 6 pupil sa Bagong Pag-asa Elementary School sa kaniyang mga ka-eskwelang sina Nino, Kenneth, at Justine.

Ayon kay Jayvie, tuwing weekends aniya ay marami na silang pagkakataong maglaro lalo na nang ipatupad ang no assignment policy sa mga mag-aaral.

Ngunit para sa pamilya nito, mas maganda anila kung ibabalik ng Department of Education ang pagbibigay ng takdang-aralin sa mga estudyante.

Hindi naman anila sabagal ang assignment para ma-enjoy ng mga mag-aaral ang kanilang kabataan.

Mas ligtas din aniya ang kaniyang kapatid kung may assignment. Ganito rin ang pananaw ng ilang mga magulang ng mga kaibigan ni Jayvie.

Hiling ng mga ito sa DepEd, pag-aralang muli ang polisiya tungkol sa assignment ng mga bata.

2010 nang maglabas ang DepEd ng direktiba na nagbabawal sa pagbibigay ng takdang-aralin tuwing weekend sa mga mag-aaral ng public elementary schools.

Isinusulong na rin ng ilang samahan na ipatupad ang polisiya sa mga private schools

 

( Cathy Maglalang / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,