Ilang mag-aaral sa Don Jose Elementary School sa Sta. Rosa, Laguna, sumailalim sa dengue vaccination

by Radyo La Verdad | April 12, 2016 (Tuesday) | 1779

SHERWIN_DENGUE-VACCINATION
Isang daan at limampung mga mag-aaral sa Don Jose Elementary School sa Sta.Rosa, Laguna ang sumailalim sa dengue vaccine ng Department of Health.

Layunin ng doh na mabawasan ang bilang ng mga nagkakasakit ng dengue na nakukuha mula sa kagat ng lamok.

Sa ulat ng DOH, kabilang ang Region 4A, Region 3 at National Capital Region sa may pinakamatataas na kaso ng dengue sa bansa noong 2015.

Sa ilalim ng programa, target nilang makapagbakuna ng dengue sa isang milyong mag-aaral na may edad na siyam na taon pataas.

Hinihikayat rin ng Department of Health ang mga magulang na samantalahin ang alok na libreng bakuna.

Tiniyak naman ng DOH na ligtas at epektibo ang dengue vaccine kaya walang dapat ipag-alala ang mga magulang.

Tatagal ng tatlo hanggang apat na taon ang epekto ng bakuna ngunit kailangang dumaan sila sa tatlong vaccination dosage.

Bukod sa pagbabakuna hinikayat din ng DOH ang bawat pamilya na maglinis ng kani-kanilang mga bakuran upang makaiwas sa mga sakit.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,