Malalakas at tuloy-tuloy na buhos ng ulan na dala ng bagyong Urduja ang naranasan sa Western Visayas nitong weekend. Kaya naman, nakaranas ng pagbaha at landslide ang ilang lalawigan sa rehiyon.
Ayon sa inilabas na ulat ng Office of the Civil Deffense o OCD Region 6 kahapon, apat na bayan sa aklan ang binaha habang siyam na mga bayan naman sa Capiz, tatlo sa IloIlo at apat sa Antique Province. Umabot sa halos apat na libong na residente ang naapektuhan ng naturang pagbaha sa IloIlo at Capiz.
Samantala, nagkaroon naman ng landslide kahapon sa barangay libertad sa bayan ng Nabas, Aklan dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan. Nagdulot ito ng pansamantalang pagkaantala sa byahe ng mga sasakyan mula Kalibo, Aklan patungong Caticlan at Boracay Island.
Bandang hapon ng magsagawa ng clearing operation ang DPWH sa lugar kung kaya’t balik normal na ang byahe mula kalibo papuntang Caticlan at vice versa.
Patuloy pa ring naka alerto ang OCD kalakip ng mga Provincial at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Councils sa Western Visayas upang mamonitor ang kalagayan ng mga lalawigan sa rehiyon.
( Vincent Arboleda / UNTV Correspondent )
Tags: bagyong Urduja, binaha, Western Visayas