
Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig simula mamayang gabi ang ilang lugar sa Quezon City, Maynila, Malabon, Valenzuela at Navotas dahil sa gagawing maintenance activity ng Maynilad.
Alas onse ng gabi mamaya hanggang alas-kwatro ng madaling araw bukas, makakaranas ng water service interruption ang siyam na lugar sa Maynila.
Simula naman mamayang alas dies hangggang alas kwatro ng madaling araw ay mawawalan din ng suplay ng tubig ang bahagi ng barangay San Antonio, Del Monte at Paltok sa Quezon City.
Apektado rin ang barangay 159 at 162 sa Caloocan City, ang bahagi ng Gozon Compound, Barangay Longos at Tonsuya sa Malabon City.
Ang Barangay North Bay Boulevard – South simula sa Navotas at ang barangay Karuhatan at Gen T. De Leon sa Valenzuela City.
Para sa mga katanungan ay maaring tumawag sa Maynilad Hotline Number 1626.
Tags: Maynilad, Quezon City, suplay ng tubig
METRO MANILA – Aprubado na ng Metropolitan Water Works and Sewerage System (MWSS) regulatory office ang pagtaas sa singil ng Maynilad at Manila Water sa susunod na taon.
Ito ay dahil sa tariff adjustment bunsod naman ng inflation.
Para sa Maynilad customers, nasa P7.87 ang average increase sa kada cubic meter na konsumo.
Katumbas ito ng P4.74 na ang dagdag sa bill kada buwan para sa low-income lifeline consumers o nasa 10 cubic meters and below ang nakokonsumo .
P100.67 sa mga kumukunsumo ng 20 cubic meters at 205.87 sa mga kumukunsumo ng 30 cubic meters.
Para naman sa Manila Water customers, average na dagdag na P6.41 sa kada cubic meter.
Ang epekto nito sa mga residential area na nasa low-income lifeline consumers ay dagdag na P2.96 sa buwanang bill .
Additional na P76.68 na dagdag para sa 20 cubic meters at 154.55 sa mga kumukunsumo ng 30 cubic meters. Mag-uumpisa ang dagdag singil sa 2024.
Payo ng MWSS, sa mga maliliit lang ang sweldo at hindi hihigit sa 10 cubic meters ang konsumo ay maaari namang mag apply bilang mga lifeline customer.
Sa ganitong paaraan ay mas mababa ang magiging rate na kanilang babayaran.
Tags: Manila Water, Maynilad, MWSS
METRO MANILA – Inanunsyo ng Maynilad water services na magbibigay sila ng mas mataas na discount sa bill ng mga qualified low-income at low-consuming residential customers.
Ayon sa Maynilad, ipatutupad nila ang Enhanced Lifeline Program (ELP) simula sa January 1, 2024.
Sa ilalim ng ELP, ang mga lifeline customers ay maaaring mag-apply para sa mas mataas na discount sa kanilang water bill.
Kasama diyan ang mga nasa marginalized sector, at ang mga benepisyaryo ng 4Ps gaya ng itinakda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
METRO MANILA – Ipapatupad na ng Maynilad simula sa October 1 ang bagong regulasyon sa pagpuputol ng mga linya ng tubig na hindi nakakabayad ng 60 days o 2 buwan.
Nagpadala narin ng text ang konsesyonaryo sa kanilang mga customer para maabisuhan ang mga ito.
Paalala ng Maynilad, pwede namang magbayad ang mga customer online at agad naman nilang ibabalik ang serbisyo.
Kahit holiday ay magpuputol din ang Maynilad liban na lamang pag December 25, bagong taon at 3 araw ng semana santa.
Pero may paraan naman daw para hindi maputulan ng tubig kung hindi agad makakabayad.
Samantala, magpapatupad naman ng water service interruption ang Maynilad simula Septerber 28 hanggang October 1.
Ito ay dahil sa maintenance na gagawin sa putatan treatment plant na kumukuha ng tubig mula sa Laguna lake.
Tinatayang nasa 250,000 households o koneksyon ng tubig ang maaapektuhan mula sa Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque at Pasay city.
Ayon sa Maynilad, dapat nilang mapaghandaang ang pagdating ng amihan season kung saan madalas na lumabo ang tubig sa lawa.
(Rey Pelayo | UNTV News)
Tags: Maynilad