Magkakaroon na ng libreng wi-fi internet access sa ilang pampublikong lugar sa Quezon city at Maynila.
Sa July 22 ay ilulunsad ng Information and Communications Technology Office ang free public wifi sa ilalim ng DOST kasabay ng National Science and Technology week.
Makaka-access ng libreng wi-fi sa Quezon city Memorial Circle, Quezon city hall, Philippine Coconut Authority building, SSS at LTO sa Q.C. at sa Rizal park sa Maynila.
Tinatayang mahigit sa 4,500 users ang unang makikinabang dito subalit kaya nitong ikonekta ang mahigit sa 100 libong users.
Nasa 256kbps ang minimum capacity ng wi-fi na sapat upang makagamit ng email, mag browse ng simpleng webpage, at mag log sa mga social media gaya ng facebook at twitter gayon din ang mga messaging apps gaya ng viber.
Ang free wi-fi project ng DOST -ICTO ay naglalayong mabigyan ng internet access ang mga munisipalidad na class 3,4,5 at 6.
Target ng program ang 99% connectivity sa 3rd quarter ng 2015.(Rey Pelayo/UNTV Correspondent)