Kagabi pa lang ay nag-anunsyo na ng kanselasyon ng klase ang ilang lokal na pamahalaan inaasahang pagdating ng Bagyong Gardo.
Sa Metro Manila, walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Caloocan City, Las Piñas City, Malabon City, Mandaluyong City, Manila City, Marikina City, Muntinlupa City, Navotas City, Parañaque City, Pasay City, Pateros, San Juan City, Taguig City at Valenzuela City.
Gayundin sa ilang bahagi ng Abra, Bataan, Bulacan, Cavite, Rizal, Subic at Zambales.
Samantala, pinayuhan naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng provincial bus operators na ipagpaliban muna ang pagbiyahe sa mga rutang apektado ng bagyo.
Layon nito na maiwasan ang anomang posibleng aksidente na maaring idulot ng landslide at flashflood.
Bukod sa monitoring, inatasan rin ng LTFRB ang mga provincial bus operator na asikasuhin ang kanilang mga pasahero, sakaling magkaroon ng anomang aberya sa kanilang mga pagbiyahe.
Tags: Bagyong Gardo, LTFRB, Metro Manila