Ilang lugar sa Luzon, apektado pa rin ng habagat

by Radyo La Verdad | August 17, 2018 (Friday) | 11054

Makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang lugar sa bansa dahil sa habagat. May kalat-kalat na pag-ulan na mararanasan sa Metro Manila, Central Luzon, Cavite at Batangas.

Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay makararanas ng papulo-pulong pag-ulan.

Isang bagyo naman na may international name na Soulik ang umiiral sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) sa layong 2,060km sa silangan ng dulong hilagang Luzon.

Ayon sa PAGASA, maliit na ang posibilidad na makaapekto pa sa bansa sa mga susunod na araw.

Tags: , ,