Ilang lugar sa Camarines Sur, hindi pa rin naibabalik ang supply ng kuryente matapos manalasa ang Bagyong Nina

by Radyo La Verdad | January 16, 2017 (Monday) | 1184

ALLAN_UMALMA
Nagrereklamo na ang ilang mga residente sa Camarines Sur dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin naibabalik ang supply ng kuryente mula nang manalasa ang Bagyong Nina noong Disyembre ng nakaraang taon.

Kabilang sa mga naapektuhan ay ang Naga City.

Isa naman ang Barangay San Felipe sa halos tatlumpung barangay sa lungsod na wala pa ring kuryente sa ngayon.

Problemado ang mga negosyante rito dahil unti-unti nang nalulugi ang kanilang negosyo.

Nag-aalala rin ang mga ito na samantalahin ng masasamang loob ang kawalan ng kuryente sa lugar.

Paliwanag naman ng tagapagsalita ng Camarines Sur II Electric Cooperative o CASURECO Dos.

Tiniyak naman ng CASURECO Dos na ginagawa ang lahat upang mapabilis ang pagbabalik ng supply ng kuryente sa mga apektadong lugar.

Target nitong maibalik sa normal na supply ang kuryente sa buong Camarines Sur sa katapusan ng Enero.

Sa ngayon umaabot pa lamang sa mahigit animnapung porsiyento ang naibabalik na elektrisidad sa mga lugar na sakop ng CASURECO Dos.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: ,