Ilang lugar sa bansa, makararanas ng ulan dahil sa tail-end of a cold front

by Radyo La Verdad | April 4, 2017 (Tuesday) | 1813
Photo credit: windytv.com

Apektado ng tail-end of a cold front o pagsasalubong ng Amihan at hangin na galing sa silangan ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sa forecast ng PAGASA, makararanas ng malalakas na pag-ulan sa Samar at Leyte area maging sa CARAGA at Northern Mindanao.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagkakaroon ng pagbaha at landslide.

Ang nalalabing bahagi naman ng Visayas at Mindanao ay makararanas ng hanggang sa katamtamang pag-ulan na may thunderstorms.

May mahinang pag-ulan naman sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Bicol at mga lalawigan ng Quezon at Aurora.

Ito ay dahil sa epekto naman ng Amihan.

Tags: ,