Ilang lugar sa bansa, apektado parin ng tag-tuyot

by Radyo La Verdad | June 29, 2016 (Wednesday) | 4185

ANTHONY-LUCERO
Apektado pa rin ng tag-tuyot ang ilang lugar sa bansa.

Ayon sa PAGASA, kaunti pa rin ang naitatalang pag-ulan sa mga probinsya ng La Union, Ilocos, Central Luzon, Metro Manila, Mimaropa at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sa pagtaya ng PAGASA, hindi parin gaanong maraming ulan ang mararanasan sa area ng Luzon sa Hulyo dahil mahina lamang ang magiging epekto ng habagat sa bansa.

Base sa climate outlook ng PAGASA, lalaki ang tsansa na iiral ang la niña huling bahagi ng taon.

(Rey Pelayo/UNTV Radio)

Tags: