Ilang lugar sa bansa, apektado parin ng tag-tuyot

by Radyo La Verdad | June 28, 2016 (Tuesday) | 4714

EL-NINO
Mas kaunti parin ang mga pag-ulan na naitala ng PAGASA sa ilang lugar sa bansa.

Kabilang dito ang La Union, Ilocos, Central Luzon, Metro Manila, Mimaropa at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Ayon sa PAGASA, bagama’t halos tapos na ang pagiral ng el niño, may epekto parin ito sa bansa.

Sa pagtaya ng PAGASA, hindi parin gaanong maraming ulan ang mararanasan sa area ng Luzon sa Hulyo dahil mahina lamang ang magiging epekto ng habagat sa bansa.

Base naman sa climate outlook ng PAGASA, lalong lalaki ang tsansa na iiral ang la niña sa mga susunod na buwan.

Sa ngayon, abala ang PAGASA sa pagbibigay ng impormasyon sa mga opisyal ng gobyerno sa magiging impact ng la niña upang maiwasan ang malaking pinsala nito sa bansa.

Samantala, sa kasalukuyan ay full allocation parin ang Angat dam para sa supply nito sa Metro Manila kahit na nasa 180.98 meters na nag lebel nito.

Ayon sa National Water Resources Board, sapat parin ang imbak nitong tubig at inaasahang tataas naman ito sa mga susunod na buwan.

Pagkatapos ng Bagyong Ambo ay tinayang nasa 15 bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility hanggang sa katapusan ng 2016.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: ,