Ilang lokal na opisyal sa Zamboanga, nahulog sa ilog matapos masira ang dinadaanang tulay

by Radyo La Verdad | April 27, 2018 (Friday) | 3085

Bahagyang nasaktan at nasugatan sina Zamboanga City Mayor Beng Climaco, Cong. Celso Lobregat at Negros Occidental Rep. Albie Benitez nang bumagsak ang nilalakarang tulay sa Barangay Mariki kahapon.

Mag-iinspeksyon sana ang grupo sa isang housing project sa Rio Hondo para sa Zamboanga Seige displaced residents nang mangyari ang insidente.

Dahil gawa lamang lahat sa kahoy ang tulay ay unti-unti itong nabubulok.

Ayon sa mga residente, matagal na nilang idinadaing na palitan ito ng sementong tulay para hindi manganganib ang kanilang mga buhay.

Samantala, sa pahayag na inilabas ng pamahalaang lokal lubos nitong ikinalungkot ang insidente.

Pinaiimbestigahan ng lungsod ang NHA Zamboanga City at ang ibang grupo at mga kontraktor sa proyekto.

Kasalukuyan nang kinukumpuni ng ilang tauhan mula sa city engineer’s office ang tulay.

 

( Dante Amento / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,