Ilang local Government official aminadong hindi mahigpit sa pagbabawal na makapasok sa 4km permanent danger zone sa Mt. Bulusan

by Radyo La Verdad | June 17, 2015 (Wednesday) | 1525

MT BULUSAN
Buwan pa lamang ng Abril ngayong taon nag-abiso na ang Philippine Institute of Volcanology and Siesmology o PHIVOLCS sa ilang residente sa bayan ng Juban at Irosin sa Sorsogon na huwag pumasok sa mga lugar na sakop ng 4 kilometers permanent danger zone dahil sa pgbubuga ng abo at usok ng Mt. Bulusan.

Subalit sa kabila ng pagbabawal, ayon sa ilang opisyal sa Brgy. Puting Sapa sa Juban Sorsogon na marami pa ring mga tao ang labas pasok sa ipinagbabawal na lugar.

Sinabi ni Brgy. Capt. Editha Cayago ng Puting Sapa, ang kanyang barangay ang pinaka-apektado ng ash fall mula sa Mount Bulusan dahil malapit na malapit lamang dito ang kanilang mga pananim.

Aminado ito na hindi walang nagbabantay upang pagbawalan ang mga taong gustong pumasok sa 4km permanent danger zone.

Ayon kay Cayago na sakaling magkaroon ng malakas na pagsabog ay nakahanda ang mga residente sa kanyang barangay na lumikas.

Tags: ,