Mariing tinutulan ng ilang legal expert ang pagtawag ni Department of Justice Secretary Leila De Lima na walang epekto ang temporary restraining order (TRO) na inilabas ng Court of Appeals laban sa preventive suspension na inihain ng Ombudsman kay Makati Mayor Junjun Binay.
Ayon kay Atty. Harry Roque ng Center of International Law at propesor ng UP College of Law, dapat na manaig ang court order na nagmula sa Court of Appeals.
Gayundin ang reaksyon ni Atty. Vicente Joyas, pangulo ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na nagsabing malinaw na ang isinasaad ng TRO ay dapat manatili si Binay bilang mayor ng lungsod ng Makati.
Patuloy pa rin ang kalituhan sa Makati City kung sino ang dapat mamuno ngayon sa lungsod matapos na ipanumpa ng Department of Interior and Local Government si Vice-Mayor Romulo Pena Jr bilang acting mayor, dalawang oras bago ilabas ng korte ang TRO ni Mayor Binay.
Tags: Court of Appeals, DOJ, Harry Roque, Junjun Binay, Leila De Lima, Ombudsman, TRO