Ilang labor groups, pag-aaralan kung hihiling ng umento sa sahod kasunod ng pagpapatupad sa tax reform law

by Radyo La Verdad | January 3, 2018 (Wednesday) | 1912

Noong hindi pa ipinatutupad ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o Train Law, three thousand two hundred pesos ang nababawas sa sweldo kada buwan dahil sa income tax ni CJ Oliveros na isang electrical engineer.

Pero kahit exempted na siya sa pagbabayad ng obligasyong ito sa ilalim ng batas, apela ni CJ sana ay tumaas pa ang kaniyang sahod dahil sa nakaambang pagtaas ng presyo ng langis at bilihin.

Susuriin ng Buklurang Manggagawang Pilipino ang magiging epekto ng batas para sa isusumiteng wage hike petition. Tuluy-tuloy na panawagan ng grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte na dagdagan ng 1,200 pesos ang buwanang sahod ng mga minimum wage earner.

Ang Associated Labor Unions Trade Union Congress of the Philippines naman ay imomonitor ang paggalaw sa presyo ng mga bilihin upang malaman kung may malaking epekto ito sa mga ordinaryong mamamayan.

Pero ayon sa Employers Confederation of the Philippines o ECOP, masyado pang maaga para pag-usapan ang wage increase.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

Tags: , ,