Ilang kumpanya ng langis, nagpatupad ng oil price hike simula ngayong araw

by Radyo La Verdad | June 28, 2016 (Tuesday) | 2227
Photo credit: REUTERS
Photo credit: REUTERS

Nagpatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.

Sixty-five centavos ang nadagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina ng Shell, Sea Oil at Petron.

Forty centavos naman sa diesel at thirty five centavos naman ang dagdag presyo sa bawat litro ng kerosene

Nagpatupad rin ng kaparehong price increase ang Eastern Petroleum, Phoenix at PTT Philippines ngunit walang naging paggalaw sa halaga ng kanilang kerosene.

Samantala ayon sa Department of Energy hindi pa ramdam sa Pilipinas ang epekto sa presyo ng petrolyo ng pagkalas ng United Kingdom sa European Union.

Ngunit posibleng maging sanhi ito ng pagbaba ng halaga ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

(UNTV RADIO)

Tags: