Ilang kumpanya ng langis, may dagdag-presyo sa produktong petrolyo ngayong araw

by Radyo La Verdad | February 2, 2016 (Tuesday) | 1737

ITEM_PETRON
Matapos ang sunod-sunod na rollback noong nakaraang buwan, nagpatupad naman ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.

Tumaas ng kwarenta y singko sentimos ang kada litro ng gasolina, piso at limang sentimos sa diesel habang piso at dalawampung sentimo naman sa kada litro ng kerosene.

Kabilang sa mga nagpatupad ng price hike ang Shell, Caltex, Eastern Petroleum, Flying V, PTT Philippines, Sea Oil, Petron, Unioil at Phoenix Petroleum.

Ayon sa department of energy ang paggalaw sa presyo ng langis ay dahil sa isisagawang pag-uusap ng mga oil producing countries hinggil sa posibleng paglilimita sa produksyon ng langis dahil sa oversupply nito sa merkado.

Tags: , ,